Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

Brgy. Captains – Re: Football

October 16, 2017

Minamahal na mga Kapitan sa Unang Distrito,

Isang malugod na pagbati mula sa iyong Kinatawan sa Kongreso! Ito po ay isang simpleng pagpapaalala sa ating napag-usapan sa ating pagpupulong-pulong noong Oktubre 6-7, 2017 sa Moncada at Camiling na may kinalaman sa football. Tulad po nong nabanggit ko na, minarapat kong ipakilala sa ating distrito ang larong football bilang bahagi ng programa sa palakasan na nais kong isulong sa mga barangay para sa ikabubuti ng ating mga kabataan. Umaasa po ako na sana ay maging positibo ang iyong kasagutan sa pamamagitan ng pagtext or email. Magpapaala din po sa inyo ang aking opisina sa pamamagitan ng pagtext na inyong matatanggap. Sana po ay matanggap namin ang inyong kasagutan ang Oktubre 20, 2017.

Maraming salamat sa iyong patuloy na pakikiisa at suporta sa ating mga programa para sa isang maunland na Unang Distrito.

SULONG TARLAC!

Samasainyo,

CARLOS “Charlie” O. COJUANGCO